-- Advertisements --
Nailibing na ang karamihan sa mga kabataan na nasawi sa pagsabog sa secondary school sa Kabul, Afghanistan.
Tinaon kasi ang pagsabog habang palabas na sa paaralan ang mga kabataan sa Dasht-e-Barchi.
Ang nasabing lugar ay madalas na target ng mga Sunni Islamist militants.
Bagamat walang grupong umako sa pagsabog ay isinisi naman ng gobyerno nila sa grupong Taliban militants ang nangyaring pag-aatake.
Nanawagan ang mga kaanak ng biktima ng agarang hustisya.