-- Advertisements --

COTABATO CITY – Kinilala na ng mga otoridad ang mga sugatang biktima sa nangyari stabbing incident na nauwi sa hostage taking kaninang madaling araw sa 6th Road,

Macapagal Extension, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City.

Ang mga biktima ay sina ALIYA JOY YAP, 20 years old, single, estudent, JEHANNA YAP ALCARAZ , asawa ng suspek, 32 years old, Government Employee, ALIW YAP,54 years old, may asawa, Government Employee, at si MANUEL JUANDAY YAP JR., 72 years old, married, retired government employee, kapwa mga residente ng nasabing lugar.

Habang ang suspect ay nakilalang si CRISTOPHER ROALES ALCARAZ, 44 years old, residente ng 6th road, Macapagal Extension, Mother Barangay Rosary Heights nitong lungsod.

Matatandaang, nagkaroon ng pagtatalo ang mag asawa na humantong sa pananaksak ng suspek sa mga biktima gamit ang 12 inches na kutsilyo, nang dumating ang mga otoridad ay agad na hinostage ng suspek ang kaniyang 2 years old at 8 years old na anak, maswerte namang pinakawalan ng suspek ang mga hostage sa pamamagitan ng negosasyon ng Lola na si Maria Teresa Alcaraz.

Bandang alas-5 kaninang umaga ay nagtangkang sunugin ng suspek ang kanilang bahay, at nag suicide sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili gamit ang carbine rifle na naging sanhi ng agaran nito pagkamatay.

Nasa mabuti ng kalagayan ngayon ang dalawang batang hostage, at ang apat na mga sugatan.

Samantala, narekober sa crime scene ang ginamit na baril sa duguang kutsilyo na ginamit ng suspek sa pananaga.