DAVAO CITY – Pinangunahan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang pamimigay ng tulong sa mga residenteng nasunugan sa Barangay 21-C at 22-C.
Kasama ni Gatchalian si Davao City Mayor Baste Duterte, SAP Sec. Anton Lagdameo at Opamin Sec. Leo Magno.
Inihayag ni Gatchalian na mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagpapunta sa kanya sa mga apektadong residente upang personal na ipaabot ang tulong mula sa gobyerno.
Dagdag pa nito, handa ang DSWD na tulungan ang mga pamilyang biktima ng sunog lalo na ang muling pagpapatayo ng kanilang mga bahay.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga biktima dahil sa agarang pagtugon ng gobyerno sa kanilang sitwasyon. (Insert VC sa victim)
Samantala, aasahan umano ng mga biktima ng sunog na kaagad na tutuparin ng gobyerno ang kanilang ipinangako.
Para sa kanila, napakalaking tulong na upang mabigyan sila ng pag-asa.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Davao City Mayor Sebastian Baste Duterte sa national government sa pagbigay ng kanilang tulog sa mga nasunugang residente ng Davao City.
Kung maalala, aabot sa 1,200 na mga kabahayan sa dalawang barangay na 21-C at 22-C, Piapi Boulevard, Davao City ang natupok ng nangyaring sunog noong Sabado ng hapon, a-25 ng Pebrero.
Aabot na rin sa 9 million pesos ang naitalang inisyal na danyos ng nasabing trahedya.