-- Advertisements --
Nahatiran na ng tulong ang mga biktima ng nangyaring sunog sa Brgy. Bagumbayan sa lungsod ng Taguig.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) na umabot sa 15 kabahayan na binubuo ng 18 pamilya o halos 60 katao ang naapektuhan ng sunog.
Umabot sa mahigit dalawang oras bago tuluyang naapula ng BFP ang nasabing sunog nitong Miyerkules ng hapon.
Nagtulong-tulong ang ilang mga bumbero mula sa karatig ng lugar ng Taguig para ito ay agarang maapula ang apoy.
Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.