-- Advertisements --
yolanda leyte
Supertyphoon Yolanda aftermath (credit to the photo owner)

TACLOBAN CITY – Inihayag ng city government ng Tacloban na hindi pa rin natutukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima ng supertyphoon Yolanda na nasa mass grave.

Ayon kay Tacloban Vice Mayor Jerry “Sambo” Yaokasin, libo-libong bangkay nga mga biktima ang hindi pa rin nakikilala kahit anim na taon na ang lumipas mula ng manalasa ang bagyong Yolanda.

Nanawagan naman ang naturang opisyal sa National Bureau of Investigation (NBI) na sana sa susunod na anibersaryo ng Yolanda ay magkakaroon na ng resulta ang DNA matching lalo na’t maraming mga pamilya ng mga biktima ang patuloy na umaasa na matutukoy ang bangkay ng kanilang yumaong pamilya.

Nasa 2,000 ang nakalibing sa holy cross mass grave na kailangang dumaan sa DNA testing ngn DNA testing ng NBI.