-- Advertisements --
Naniniwala ang Department of Health (DOH) na mas mataas pa ang bilang ng COVID-19 kaysa sa mga nailalabas na datus.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergerie na ang nasabing actual numbers ay mas mataas pa kaysa sa naipapakitang datus.
Dagdag pa nito na maraming mga tao na ang gumagamit ng antigens at hindi kumpletong naisusumite ang mga tests.
Nitong Lunes lamang kasi ay nagtala ang DOH ng 46 percent positivity rate na ang ibig sabihin nito ay mayroong 1 kada 2 katao ang nagpopositibo sa COVID-19.