DAVAO CITY – Sumobra pa sa inaasahang limampung libong (50K) mga indibidwal ang bumisita sa syudad ng Davao upang ipagdiwang ang kakatapos lamang na 37th Kadayawan Festival.
Ipinagmamalaki naman ni Kadayawan Execom Spokesperson Councilor Al Ryan Alejandre na fully booked ang mga hotel accomodations sa buong syudad at dumagsa rin ang maraming mga tao sa iba’t-ibang mga aktibidad kagaya ng Hiyas sa Kadayawan, Pamulak at Indak-indak na tinitingnan namang isang malaking tulong sa muling pag-unlad ng ekonomiya ng lungsod.
Fully-packed rin ang mga events na isinagawa sa mga malls kung saan present din ang iilang mga artista.
Kahit paman sa pagdagsa ng mga tawo, isa sa ipinagmamalaki ng syudad at ng kapulisan ay walang kahit anumang natalang untoward incidents o banta sa seguridad dahil na rin sa pina-igting na pagbabantay ng security clusters sa buong Davao.