-- Advertisements --

Regular nang titingnan ng Phivolcs ang mga bitak sa paligid ng bulkang Taal na dulot ng patuloy na pagyanig.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, limitado ang kanilang nakikita sa bulkan dahil madalas ay natatakpan ito ng usok at abo.

Layunin ng pagsukat sa mga bitak na mabatid kung patuloy na gumagalaw ang mga bato sa ilalim dahil sa magma.

Indikasyon kasi ito ng malakas na enerhiyang hindi pa nailalabas ng bulkan.

Kung lalawak umano ang mga crack sa lupa at dadami pa ang mga ito, mas malaki ang tyansang muling pumutok pa ang Taal.

Pero sa pinakahuling monitoring, humina ang steam mula sa bunganga ng bulkan at dalawang ash explosion lamang ang naitala, mas mababa kumpara sa record noong mga nakalipas na araw.

“Since 8:00 AM this morning, Taal Volcano’s activity has been generally characterized by weak emission of steam-laden plumes 500 to 800 meters high from the Main Crater that drifted to the general southwest. A total of two (2) discrete weak ash explosions were observed,” saad ng mensahe mula sa Phivolcs.