PARAÑAQUE CITY – Nagningning ang mga bituin, mga personalidad, at public figures sa 2nd Gawad Dangal Filipino Awards.
Ito ay ginanap noong June 19, 2024 sa Paranaque City. Isang buwan man ang nakalipas ay usap-usapan pa rin ang mga kinilala sa gabing iyon.
Narito ang ilang mga celebrities na dumalo at nakatanggap ng major awards sa Gawad Dangal Filipino Awards 2024:
Best Actor – Roderick Paulate (“In His Mother’s Eyes”)
Best TV Actress of the Year – Sherlyn Cruz
Valuable Singing Icon of the Decade – Gino Padilla
Outstanding Singer of the Decade – Randy Santiago
Best Supporting TV Actress of the Year – Beverly Salviejo
Outstanding TV & Social Media Personality of the Year – Denise Laurel
Best Concert Performer of the Year – Kris Lawrence
Hall of Fame – Asia’s Most Important Singer/Performer – Dulce
Most Empowered Actress of the Decade – Carmi Martin
Most Empowered Veteran Actress of the Year – Eva Darren
Narito naman ang special awards:
Female Face of the Night – Denise Laurel
Male Face of the Night – RJ De Vera
Female Star of the Night – Sheryl Cruz
Male Star of the Night – Kris Lawrence
Female Look of the Night- Carmi Martin
Male Look of the Night – Randy Gerard Santiago
Samantala, pinarangalan ang 102.7 Star FM Manila bilang Best FM Station of the Year, habang Best FM DJ of the Year naman ang Station Manager ng himpilan na si Star DJ Gabby.
Kabilang naman sa mga nagtanghal ang timeless diva na si Dulce, ang iconic Pinoy group na Maskulados, ang Miss Universe Philippines performers na D’Grind, singer at aktres na si Denise Laurel, ang RNB singer na si Kris Lawrence, at comedy icon na si Beverly Salviejo.
Malaki naman ang pasasalamat ng award-winning director at Chairman/President ng naturang award-giving body na si Romm Burlat dahil sa tagumpay ng Gawad Dangal. Sa speech nito, inalay niya ang pagkilala sa mga natatanging Pilipino na nagbibigay kulay sa musika, sining, pelikula, radyo, telebisyon, at sa komunidad.
Samantala, inaabangan rin ang nalalapit na Philippines Distinct Men & Women of Excellence na gaganapin sa September 24, 2024. Ito ay layong magbigay karangalan sa mga Filipino achievers sa iba’t-ibang larangan.