-- Advertisements --
Balik na sa normal operation ang lahat ng biyahe sa Paranaque Integrated Terminal Exchange ngayong araw, Sept. 4, sa kabila ng mga pag-ulang nararanasan sa National Capital Region at mga probinsyang kumokonekta rito.
Ngayong araw, walang ruta o biyahe ang nagkansela at lahat ng mga bus na dumadaan sa pinakamalaking terminal sa NCR ay pawang nasa regular operations na.
Ayon naman kay PITX Communications Officer Kolyn Calbasa, agad na inaanunsyo sa publiko kung mayroon mang magkakansela dahil sa nagpapatuloy na mga pag-ulan.
Noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Enteng, mahigit sampu ang nakanselang biyahe sa PITX dahil na rin sa banta ng malakas na hangin at ulan, lalo na sa mga pampasaherong bus na nasa ilalim ng provincial operations.