-- Advertisements --

Pinapayagan ng makapasok sa bansa ang mga biyahero mula sa special adnministrative regions ng Hongkong, Macau, brazil at Israel na walang visa sa gitna ng pandemiya.

Ang bagong polisiya ay alinsunod sa IATF Resolution 164-A na nagsasaad na ang mga banyagang mayroong paasports mula Hongkong Special Administrative Region o Macau SAR ay entitled na manatili sa bansa ng hindi laagpas ng 14 na araw sa ilalim ng sumusunod na kondisyon.

Una, dapat ay fully vaccinated at mayroong aaceptable proof of vaccination. Kailangan din na magpresenta ng negatibong resulta ng RT PCR test na nakuha sa loob ng 48 oras o negatibong laboratory based Antigen test na nakuha sa loob ng 24 oras bago ang departure mula sa country of origin.

Kailangan din na may passport na valid hanggang anim na buwan sa kanilang pagdating dito sa Pilipinas.

Gayundin sa ilalim ng IATF resolution, ang mga biyaherong manggagaling sa Brazil at Israel ay pinapayagang manatili sa bansa ng hindi lalagpas ng 59 na araw pero dapat may maipakitang ng mga nabanggit na dokumento.