-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nag-abiso si Matnog Port Acting Division Manager Achilles Galindes sa mga biyaherong uuwi para sa paggunita ng Undas partikular na ang mga tatawid ng dagat na huwa na munang tumuloy.

Kasunod ito ng pinangangambahang sama ng panahon dulot ng bagyong Paeng.

Ayon kay Galindes sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, posibleng mastranded lang ang mga pasahero kung sakaling magtaas ng tropical cyclone wind signal sa ilang bahai ng Bicol.

Una na ring nagpalabas ng land travel suspension ang Land Transportation Office Bicol sa mga sasakyang mula sa Metro Manila na tatawid ng Samar, Masbate at Catanduanes.

Ito ay upang maiwasan ang congestion ng mga sasakyan at hindi magdulot ng mahabang pila.

Aminado rin si Galindes nas malaking ‘challenge’ oras na magkansela ng biyahe dahil tiyak na mayroong mga strandees lalo na kung marami pa ang magpupumilit na bumiyahe.

Kung kaya’t nagpaalala sa mga nakaalis na subalit hindi pa nakakalayo na bumalik na lamang upang maiwasang magkaroon ng maraming stranded sa mga pantalan lalo na sa gitna ng sama ng panahon.