Natagpuan na ng mga otoridad ang mga “black box” ng eroplanong bumagsak sa estado ng Kerala sa India na kumitil sa buhay ng nasa 18 katao.
Ayon kay Indian Aviation Minister Hardeep Singh Puri, malaking tulong ang pagkakahanap sa flight data recorder at cockpit voice recorder para sa isinasagawang imbestigasyon sa insidente.
Sinabi pa ni Puri, masyado pa raw maagang sabihin kung ano ang sanhi ng aksidente.
“We have to be grateful that the casualties are only this much,” wika ni Puri.
“The aircraft fell 35 feet down and rescue people were able to reach there immediately, cut the body of the plane and retrieve people trapped inside,” dagdag nito.
Kung maaalala, ang eroplano ng Air India Express ay patungo sana ng Dubai nang sumadsad ito sa runway bago mahati sa dalawa habang lumalapag sa Kozhikode airport.
Nasa 190 katao ang lulan sa flight at sinabi ng isang opisyal na himala pa raw na maituturing na hindi mataas ang bilang ng mga nasawi.
Itinuturing ito bilang isa sa mga worst passenger air crash ng India sa loob ng isang dekada. (BBC)