CAGAYAN DE ORO CITY – Nagsagawa ng malawakang inspection ang mga personahe ng Philippine National Police at ibang government line agencies sa mga nakatayong bodega at ibang kaduda-duda na mga lugar na sakop ng Northern Mindanao.
Kasunod ito nang pahayag ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na aktibo pa rin ang ilang operators ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa pamamagitan ng paghati nila ng maliit na grupo at nakisilong na lang ng maliit na gusali para hindi madaling matunton ng mga otoridad.
Sinabi ni Police Regional Office 10 Director Brigadier General Jaysen de Guzman na ayaw nito na maulit at malusutan ng POGO facility ang Cagayan de Oro City na pinapatakbo ng negosyanteng Intsik na si Antonio Mahestrado Lim alyas Tony Yang.
Ito ang dahilan na kada-inspection ng heneral sa local police station ay hinahapan umano niya ito ng report patungkol sa posibleng presensiya ng legal at illegal POGO facilities na unang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ipasara dahil sa hindi magandang dulot nito sa lipunan.
Magugunitang matapos nalantad ang katauhan ni Yang na POGO issue connected ay nagkasa rin ang Criminal Investigation and Detection Group 10 ng raid sa bahay nitong lungsod subalit walang nakuha na anumang kontrabando partikular ang sari-sari umanong kalibre ng baril.