-- Advertisements --

Naglabasan sa kani-kanilang mga kuwarto sa Batangas City ang mga Olympic medalist na sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial matapos na yanigin ng magnitude 5.7 na lindol ang Calatagan, Batangas nitong Biyernes ng gabi.

Nasa mandatory quarantine kasi sa isang hotel sa Tagaytay ang nasabing mga atleta matapos ang matagumpay na laban nila sa Tokyo Olympics.

Sa social media ibinahagi ni Petecio ang mga larawan nila habang nasa labas ng kanilang kuwarto.

Dahil aniya sa lakas ay naglabasan sila sa kanilang kuwarto.

Magugunitang sumentro ang lindol sa Calatagan, Batangas dakong 11:08 ng gabi at ito ay may lalim na 113 kilometers.