-- Advertisements --

Inanunsiyo ng International Boxing Association (IBA) na magbibigay sila ng prize money sa sinumang maging Olympic champions at medalist sa Paris Olympics.

Ayon sa IBA na makakatanggap ng $100,000 ang gold medalist habang mayroong $50,000 para sa silver medalist at $25,000 sa bronze medalists.

Dagdag pa ni IBA president Umar Kremlev, na makakatanggap rin ng $25,000 ang kanilang National Federation habang ang coach at makakatanggap ng $25,000.

Hindi kasi maghohost ang IBA ng boxing tournament sa Paris Olympics matapos na tanggalin sila ng Internatioanl Olympic Committee ng pagkilala noong nakaraang taon.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng naging anunsiyo ng World Athletics na magbibigay silang $50,000 na cash prizes sa mga kampeonato.

Magsisimula ang Paris Olympics mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11.