-- Advertisements --
garcia

Pinaalalahanang muli ng Commission on Elections ang mga botante kaugnay sa mga dapat nitong gawing paghahanda sa pagdaraos ng BSKE bukas Oktubre 30.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kailangang maaga ang mga botante sa pagpunta sa kanilang mga presinto upang maging matiwasay at maayos ang pagboto ng mga ito.

Aniya, maikli lamang kase ang nakalaang oras para rito

Magbubukas ang mga presinto dakong alas 5 ng umaga para sa mga early voters at papayagan nang makaboto ang mga vulnerable sector kabilang na ang mga senior citizen, PWD at iba pa.

Pagsapit naman ng alas 7 ng umaga ay papapasukin na rin ang iba pang mga botante para makaboto at magsasara ang mga presinto pagsapit ng alas 3 ng hapon.

Pinayuhan rin ng komisyon ang mga botante na magdala ng sariling ballpen dahil hindi automated ang election.

Bukod dito ay pinahihintulutan rin ang pagdadala ng kodigo ng mga pangalan ng kanilang mga napipisil na kandidato.

Batay sa datos ng Commission on Election, aabot sa 67.8 million ang kabuuang bilang ng mga botante para sa barangay elections habang 23.2 million naman ang bilang ng mga botante para sa SK Elections

Papalo naman sa 11, 225,000 ang mga botanteng senior citizen at 453,000 naman ang mga botanteng PWD.

Ayon sa Comelec, mahigit dalawang libo ang mga voting centers sa buong bansa.

Samantala, epektibo na ngayong araw ang liquor ban sa buong bansa na ipinatutupad ng Commission on Elections at ito ay magtatagal hanggang Octubre 30.

Bahagi pa rin ito ng security protocols para sa idaraos na BSKE bukas.

Sa ilalim ng kautusang ito ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagbili , pagbebenta at pag-inom ng nakalalasing na inumin o alak.

Aabot naman sa isa hanggang anim na taong pagkabilanggo ang ipapataw na parusa sa mga mahuhuling lalabag na indibidual .