-- Advertisements --
Tiniyak ng ilang pharmaceutical companies na maglalagay sila agad ng suplay sa mga botika ng mga iba’t-ibang brand ng paracetamol.
Kasunod ito sa reklamo ng marami na nagkakaubusan na sa mga botika ang iba’t-ibang brand matapos ang pagtaas ng mga nagkakatrangkaso bunsod ng malamig na panahon.
Agad aniya silang nakikipag-ugnayan sa mga botika para matugunan ang nasabing kakulangan.
Nauna ng sinabi ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP) na nagkakaroon ng temporary shortage ng paracetamol brands taliwas sa pahayag ng Department of Health na walang kakulangan ng nasabing uri ng gamot.