-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagkakaubusan na ang mga branded na paracematol sa Iloilo.

Ito ay kasunod na rin ng pagdagsa ng mga mamimili sa mga pharmacy upang bumili ng paracetamol.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Judith Degala,Provincial Director ng DTI- Iloilo, sinabi nito na mga generic na paracetamol na lang ang natitira sa iilang mga drugstores.

Ayon kay Degala, ang mga pharmacy na mismo ang gumawa ng hakbang upang hindi maubusan ang ibang mamimili kagaya na lang ng pag-limit sa mga customers sa 30 hanggang 50 mga tablets.

Napag-alaman na matapos naiulat ang index case ng Omicron variant sa Iloilo City, nagdagsaan na ang mga mamimili ng paracetamol hindi lang sa lungsod kundi maging sa lalawigan ng Iloilo.