Pinapalikas ng United Kingdom ang mga mamamayan nila nasa Lebanon dahil sa lumalalang tensyon doon.
Sinabi ni UK Foreign Secretary David Lammy na mahalaga na ang agarang paglikas ng mga British nationals na nasa Lebanon dahil sa mataas ang tensiyon na nagaganap sa pagitan nila ng Israel.
Maaring sa anumang oras ay mabilis na magkaroon ng paglala ng sitwasyon.
Nanawagan din ito sa Israel at Lebanon na magkaroon ng mapayapang pag-uusap para hindi na magkaroon ng paglala ng kaganapan doon.
Samantala.
Binalaan ng Revolutionary Guard ng Iran ang Israel na kanilang papanagutin dahil sa naganap na magkasunod na pagsabog ng pager at 2-way radio.
Bagamat hindi inako ng Israel ang nasabing atake ay malaki aniya ang paniniwala ng mga Hezbollah na ang Israel ang nasa likod ng nasabing atake.
Tinawag naman ng United Nations ang nangyaring pag-atake sa Lebanon na isang paglabag sa karapatan ng tao para mabuhay.
Sinabi naman ni US Secretary of State Antony Blinken na dapat talaga na magkaroon ng ceasefire sa Israel at Hamas para wala ng sibilyang ang madamay.