-- Advertisements --

Itinaas pa ng mga dam management ang bulto ng pinapakawalang tubig mula sa Angat Dam at Ipo Dam.

Mula kasi sa dating iisang spillway gate na binuksan sa Angat Dam ay itinaas pa ito sa tatlong gate. Ang mga ito ay may lawak na dalawang metro

Sa Ipo Dam, dinagdagan na rin ng dalawa pang gate ang nakabukas mula sa dating isa. Ang mga ito ay may lawak na 1.3 meters.

Ginawa ng mga dam management ang pagdadagdag ng mga bukas na gate dala na rin ng lalo pang pagtaas ng lebel ng tubig sa mga watershed ng mga ito.

Halimbawa rito ang Angat Dam na umabot pa sa 213.68 meters ang lebel ng tubig. Ito ay mas mataas kumpara sa 212 meters na normal high level nito.

Una nang nagbigay babala ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ng Bulacan kung saan naroroon ang dalawang dam, ukol sa posibleng pag-apaw ng mga kailugan dahil sa pagpapakawala ng tubig sa mga ito.