CAUAYAN CITY- Bahagyang dumami ang namili ng mga bulaklak may kaugnayan sa pagdiriwang ng Mother’s Day ngayong araw.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jojo Battung tagapamahala ng Flower shop sa Lunsod na bisperas pa lamang ng Mother’s Day ay may mga nagtungo na sa kanilang flower shop para mamili ng mga bulaklak na ipapamahagi sa mga nanay ngayong Mother’s Day.
Aniya nasa P300.00 hanggang P500.00 ang itinaas ng presyo ng mga bulalak at naglalaro ang kanilang presyo sa P300.00 hanggang P1,500.00 depende sa dami ng bulaklak.
Aniya, patok sa ngayon ang bouquet of flowers na may isang dosenang rosas at anim na rosas.
Samantala, kabila ng pandemya ay marami pa rin ang bumili ng mga bulaklak para maibigay sa kanilang mga mahal sa buhay sa pagdiriwang ng mothers day.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Revy Manipon, may-ari ng flower shop dito sa Lunsod ng Cauayan na sa kabila ng pandemya ay hindi nag-paawat ang mga residente ng bumili ng mga bulaklak para maibigay sa kanilang mahal na ina.
Maganda anya ang kanilang sales sa ngayon dahil maraming mga kababaihan na binigyan ng mga bulaklak tulad ng mga nanay, tita at lola.
Samantala, inihayag pa ni Ginang Manipon na umaasa pa rin sila na hanggang bukas ng umaga ay mayroon pa ring bibili ng mga bulaklak para maibigay sa kanilang mahal sa buhay.