-- Advertisements --
flowershop
flowershop

BAGUIO CITY – Nagmahal na ang mga cut flowers na ibinebenta sa Baguio City kasabay ng papalapit na Valentine’s Day sa February 14.

Sa old market ng Baguio, ang red roses na extra large ay nabibili sa P700 per bundle o dalawang dosena.

Napag-alaman na sa mga regular na araw ay P300 ang per bundle ng mga red roses.

Nabibili naman ngayon ang pink at orange roses sa P600 per bundle habang ang white roses ay P100 hanggang P250 depende sa laki ng mga bulaklak.

Samantala, sa La Trinidad, Benguet kung saan matatagpuan ang Barangay Bahong na kinikilala bilang “The Rose Capital of the Philippines”, nabibili din ang red roses sa P700 per bundle.

Gayunman, mas mababa ang white roses sa halagang P150 per bundle kung ihahambing sa Baguio City.

Ayon naman kay Punong Barangay Belmer Elis ng Bahong, La Trinidad, Benguet, normal ang pagtaas ng iba’t ibang klase ng bulaklak sa lokalidad dahil parin sa papalapit na selebrasion ng Valentines Day.

Sinabi niya na posible pang magbago ang presyo nga mga bulaklak depende sa suplay ken demand sa mga ito.

Ipinasigurado rin ng kapitan na sapat ang suplay nga mga bulaklak na manggagaling sa Bahong, La Trinidad dahil maraming negosyante a nagpareserba ng suplay ng mga bulaklak sa mga flower growers doon.

Sinabi naman ni Andy Colte, presidente ng La Trinidad Cut Flowers and Ornamental Growers Association na sapat ang suplay ng mga cut flowers para sa Valentine’s Day at mga floats ng Panagbenga dahil sa magandang panahon.

Napag-alaman din na maliban sa mga rosas at ‘in demand’ din tuwing Araw ng mga Puso ang mga bulaklak na aster, radus at carnation dahil ginagamit ang mga ito bilang ornaments sa mga flower arrangements.

Dinadala din ang mga cut flowers mula Benguet sa ibat-ibang markets sa Ilocos Sur, Tuegegarao, Abra, Metro Manila, Boracay at ilang lalawigan sa timog na bahagi ng bansa.