BAGUIO CITY- Apektado ng forest fires ang mga bulubundukin sa tatlong bayan sa lalawigan ng Benguet.
Ayon kay FO1 Charleston Pasigon mula sa Kibungan Fire Station, isang bundok ang nasunog at nadamay ang isang bahay sa Kibungan, Benguet,.
Inihayag niyang nag-umpisa ang sunog noong Sabado sa mga kabundukan sa Gasal, Lubo, Kibungan.
Samantala, naisara na sa mga trekkers at hikers ang Akiki Trail na isa sa pinakatanyag na daanan patungo sa summit ng Mount Pulag sa Kabayan, Benguet.
Ayon sa Mt. Pulag Park Management, ito ay dahil sa sunog sa Sitio Abucot at Sitio Tinuping sa Barangay Eddet na nag umpisa kahapon ng madaling araw.
Patuloy naman ang pag apula ng mga bombero sa sunog sa Barangay Poblacion, Bokod, Benguet na nag umpisa mula pa noong Pebrero 18
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang walang naiulat na nasaktan sa mga nasabing forest fires.