-- Advertisements --

Dumating na rin sa Los Angeles ang isang grupo ng mga bumbero mula sa bansang Mexico na siyang tutulong na tuluyang maapula ang apoy.

Inaasahan din ng US na may ilang mga bansang darating pa dahil sa labis na pagkapagod na ang mga bumbero nila mula ng sumiklab ang sunog ng mahigit isang linggo.

Nagpakawala na rin ang US military ng mahigit 16,000 na gallons ng fire supressants sa wildfire.

Sinabi ni Pentagon spokesperson Maj. General Pat Ryder na gamit ang kanilang walong C-130 na military plane na nilagyan nila ng modular airborne fire fighting system of MAFFS ay inilaglag nila ang nasabing mga fire suppressant.

Mayroon ding mahigit 1,800 na California Naitonal Guardsmen ang activated para tumulong sa pagresponde laban sa sunog.