Hinatulan ng Taguig Regional Trial Court ng habambuhay na pagkakakulong ang mga nasa likod ng pambubugbog sa actor-tv host na si Vhong Navarro noong January 2014.
Kabilang sa mga lumitaw na guilty sa kasong serious illegal detention for ransom, ang model na si Deniece Cornejo, negosyanteng si Cedric Lee, Ferdinand Guerrero at Zimmer Raz.
Agad na ring kinansela ang bail bond ng mga akusado at inaresto na sila matapos basahan ng hatol.
Habang inisyuhan naman ng warrant of arrest ang hindi nagpakitang sina Lee at Guerrero, para sa agad na ikadarakip nito.
Pinagbabayad ang mga ito ng P300,000 kay Navarro bilang bayad pinsala.
Hindi naman nakadalo ang aktor sa pagbasa ng hatol.
Nag-ugat ang kaso sa pambubugbog kay Navarro dahil inakusahan ito ng tangkang panggagahasa kay Conrnejo, ngunit lumitaw na may nauna nang mga naging pag-uusap sina Denice at Vhong at setup ang presensya sa lugar nina Lee at Raz.