-- Advertisements --

Bumalik na sa normal levels ang mga buses na bumabagtas sa kahabaan ng EDSA Busway lines.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nasa 550 na bilang ng mga buses mula sa dating 758 dahi sa ipinatupad nilang libreng sakay.

Ang nasabing mga 550 na buses ay nagpapatupad ng “fare box” system para sa pagsingil sa pamasahe ng mga pasahero na nakabase sa fare matrix na aprubado ng LTFRB.

Dahil may fare matrix na ay hinikayat ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III ang mga pasahero na isumbong sa kanilang opisina ang maniningil ng sobra.

May mga nakakalat din aniya na tauhan nila para magbantay sa mga buses na mag-aabuso.