Mahigit sa 2.5 milyong pasahero ang inaasahan sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ngayon pa lang kasi ay buhos na ang mga byahero dahil na rin sa mahabang bakasyon kaugnay ng observance ng Semana Santa.
Sinabi ni Jason Salvador, corporate affairs head ng PITX, na sinasamantala ng mga umuuwi sa kani-kanilang mga probinsya ang pagkakataon para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay at makapamasyal na rin.
Ito rin kasi ang panahon ng mga reunion at town festivities.
Kaya naman ang biyahe umano na papuntang Bicol region ay fully-booked na ngunit tiniyak nitong may mga naka-standby units at may mga tauhan sila kung sakaling mangailangan pa ng karagdagang mga bus units.
Liban sa Bicol, fully booked na rin ang biyahe patungong Visayas gayundin Mindanao.