-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Abot hanggang langit ang saya at pasasalamat ng mga naging benepisaryo sa ipinamimigay na tig-lilimang kilong bigas at crutches na pinakisuyuan lamang ng iilang mga concerned Caraganons at pribadong sektor sa Bombo Radyo para sa mga kabus mahihirap na Butuanons.

Isa sa mga nakatanggap nito ay si Nanay Ceria Perolino ng Brgy. Holy Redeemer nitong lungsod ng Butuan na emosyunal na inihayag na sa pagkakakita pa lamang niya na nagbit-bit na ng mga reporters ng Bombo Radyo Butuan ang isang pares ng crutches at limang kilong bigas ay para na siyang nakalutang sa alapaap dahil sa sobrang saya..

Ayon kay Perolino malaking tulong na sa kanyang araw-araw na paggagalaw ang mga ito lalo na at sa matagal na panahon ay tubo lamang ng payong ang kanyang gamit.

Maliban kay Perolino ay marami-ramai namang mga indibidwal ang nabigyan pa ng tig-lilimang kilo ng bigas sa iba’t ibang barangay nitong lungsod.