-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Walang kalalagyan sa sobrang saya ang sobrang proud ng mga magulang ng Butuanon cager na si JD ‘Maymay’ Cagulangan, hmatapos itong mapiling Most Valuable Player (MVP) sa University Athletic Association of the Philippines o UAAP Season 87 men’s basketball finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito’y matapos matalo ng kanilang koponan na University of the Philippines o UP Fighting Maroons ang De La Salle University Green Archers sa best-of-three finals sa iskor na 66-62.

Ayon kay coach Joel Cagulangan, natuwa sila sa naabot ng kanyang anak lalo na’t huling taon na niya itong pag-aaral sa nasabing unibersidad.

Malaki umano ang na-ambag ng disiplina na kanyang na-instill sa kanyang anak na nadagdag sa abilidad nito sa paglalaro.

Inaasahang makakauwi si JD dito sa Butuan City sa Disyembre a-23 sakaling matatapos na ang kanyang mga radio at TV guesting upang sa kanilang tahanan na magpa-Pasko.

Maliban sa kanyang pamilya ay sobrang tuwa rin ang nararamdaman ng mga Butuanons sa malaking karangalang bitbit nito para sa Butuan City