-- Advertisements --
Ceres vallacar transit
Ceres transit

BACOLOD CITY— Bumaba ng 50 porsyento ang numero ng byahe ng Ceres buses papuntang southern Negros Occidental at Negros Oriental nitong Biyernes.

Sa interview ng Bombo Radyo kay Jade Seballos, media relations officers ng Vallacar Transit Incorporated, maraming mga driver ang hindi nagreport sa trabaho kaya’t maraming mga bus ang hindi rin nakabyahe.

Kasabay ng libreng sakay sa mga Ceres bus nitong Huwebes, binigyan ang mga driver ng P1,000 na allowance subalit hindi naman sila bumiyahe kahit nakatanggap na ng allowance.

Ayon kay Seballos, walang dapat ikabahala ang mga driver na sumusuporta kay Roy Yanson bilang appointed president ng Yanson Group of Bus Companies kahit nabawi na ni Leo Rey ang Bacolod South Terminal dahil hindi naman sila mate-terminate sa trabaho.

Dagdag nito, kung hindi magre-report sa trabaho ang mga driver o konduktor, kanilang pamilya pa rin ang apektado dahil wala silang suweldo.

Dahil dito, umapela si Seballos sa mga driver at konduktor na isipin ang ikabubuti ng riding public na walang masasakyan.