Napilitan ang ilang byahero sa dagat sa Camarines Norte na ipagpaliban ang kanilang paglalakbay dahil sa masamang lagay ng panahon.
Sa ngayon, nakataas kasi ang orange rainfall alert dahil sa matinding mga pag-ulan na dulot ng Shearline.
Batay sa abiso na inilabas ng local disaster management office, mapanganib na maglabay sa ang maliliit na sasakyang pandagat at posible naman ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa low lying areas.
Sa ipinadalang video ng mga tagasubaybay ng Bombo Radyo, mapapansin ang malakas na hangin at masungit na lagay ng dagat.
Kabilang sa mga naapektuhan ang mga estudyante coastal areas ng Mercedes, Camarines Norte.
Nilinaw naman ng mga eksperto na walang bagyo o kahit low pressure area, subalit posibleng magpatuloy ang mga pag-ulan hanggang sa kalagitnaan ng linggong ito.