Pinayuhan ng National ASF Prevention and Control Program sa lahat ng mga byaherong uuwi ng kani-kanilang mga probinsya para magbakasyon ngayong long weekend na huwag nang magdala ng pork at pork products.
Ito ay kinabibilangan ng chicharon, sausages, ham, chorizo, at iba pang produkto.
Ginawa ng ahensya ng pahayag, matapos ang mga naitatalang pagtaas ng kaso ng ASF sa bansa.
Paliwanag ng Department of Agriculture, hindi nagbabakasyon ang naturang virus .
Bagamat walang epekto ang ASF sa kalusugan ng tao, target naman nito ang mga baboy na nagiging dahilan ng kanilang pagkamatay .
Mabilis din aniya kasi itong nakakahawa sa mga alagang baboy.
Ang panawagang ito ay bilang tugon na rin sa pagsusumikap ng gobyerno na mapigilan ang pagkalat ng naturang sakit.