BUTUAN CITY – Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 30-araw na ultimatum ang kanyang mga concerned cabinet secretaries upang kunsultahon si Surigao del Sur Governor Alexander ‘Ayec’ Pimentel kaugnay sa mga danyos ng bagyong Auring.
Ini-ulat ni Office of the Civil Defense kon OCD Administrator Ricardo Jalad, na umabot sa 29,000 mga pamilya o 112,734 mga indibidwal ang apektado ng bagyong Auring sa Visayas at Mindanao kung saan malubhang natamaan ang Caraga Region na nakapagtala ng isang 6-anyos na batang taga-Claver, Surigao del Sur na nalunod-patay dahil sa baha, 2 sugatan at apat na missing.
Isa sa kanila ay taga-San Agustin, Surigao del Sur at apat ang mga taga-General Santos City na sakay ng tumaob nilang bangka at di pa nakita as of press time.
Ayon naman kay Frayan Akbilan, Assistant Regional Director ng Philippine Information Agency PIA-Caraga, pinapa-finalize na ng pangulo ang lahat ng mga kinakailangang suporta at assistance para sa mga nabiktima ng kalamidad.
Nakapagbigay na ang pambansang pamahalaan ng initial assistance sa sektor ng agrikultura at imprrastraktura gaya ng trabaho at pangkabuhayan sa mga na-apektuhan ng bagyong Auring sa Surigao del Sur.
Kahapon umabot sa 3,658 mga Surigaonons ang nakatanggap ng tag-3 mil pesos matag-usa nga financial assistance gikan sa nasudnong kagamhanan kansa gipang-apod apod sa mga personahe sa Department of Social Welfare and Development kon DSWD didto sa Tandag City Mega Gymnasium.