-- Advertisements --
benjamin magalong ninja cops
Baguio City Mayor Benjamin Magalong pointing to PNP chief Oscar Albayalde during a Senate probe on “ninja cops”

BAGUIO CITY – Inilarawan ni dating PNP-Criminal Investigation and Detection Group chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na “good candidates” ang mga opisyal ng Philippine National Police na posibleng maging pinuno ng organisasyon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Baguio, sinabi niya na walang issue sa mga pinagpipiliang susunod na PNP chief.

Ayaw naman aniyang magbanggit ng potential PNP chief dahil nasa “discretion” na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpili sa susunod na lider ng pambansang pulisya.

Tiwala aniya ito na kung si Pangulong Duterte ang pipili ng susunod na lider ng PNP ay magbabase ito sa service reputation, professionalism at background ng candidate.

Dinagdag niya na hindi pipili si Pangulong Duterte ng “matabang” na opisyal.

Maaalalang nagbitiw na sa pwesto si Gen. Oscar Albayalde bilang PNP chief sa gitna ng kontrobersiya sa mga ninja cops.

Sinabi rin ni Interior Secretary Eduardo Año na isusumite niya kay Pangulong Duterte ang tatlo hanggang limang pangalan ng mga police officials na kanyang irerekomenda bilang mga candidates para sa susunod na pinuno ng PNP.