Nagsagawa ng ika-apat na congregation ang mga cardinals ilang oras bago ang libing ni Pope Francis.
Ayon naman kay Director of the Holy See Press Office, Matteo Bruni, na mayroong 149 Cardinals ang dumalo sa ika-apat na General Congregation of Cardinals na ginanap sa New Synod Hall ng Vatican.
Matapos ang tatlong oras na pagpupulong ay ipinaliwanag ni Master of Papal Liturgical Celebrations, Archbishop Diego Ravelli, na ang funeral rite para kay Pope Francis ay isang funeral of a shepherd at hindi sovereign.
Dagdag pa nito na ang katawan ng Santo Papa ay hindi na ilalagay sa catafalque, o raised platform.
Matapos ang misa ay isasagawa ng prosesyon kung saan ang sasakyang lulan ng bangkay ng Santo Papa ay dadalhin sa St. Mary Major kung saan mula sa Perugino Gate patungong Vatican at hindi na ito dadaan sa St. Peter’s Square.
Ang nasabing prosesyon ay magtatagal ng halos kalahating oras habang ang aktual na paglilibing sa puntod ng Santo Papa sa St. Mary Major ay magiging pribado na.
Sa linggo naman ng hapon ay lahat ng mga Cardinals ay magtutungo sa Marian Basilica ng alas-4 ng hapon kung saan sila ay dadaan sa Holy Door, bibisita sa puntod ni Pope Francis at magtitipon sa Pauline Chapel kung saan matatagpuan doon ang Maria Salus Populi Romani at magdadasal sila ng Vespers’ ng sabay-sabay.