Tiniyak ni PNP Chief PGen. Archie Francisco Gamboa na prayoridad ang pagpapadaan sa mga checkpoints ng mga cargo na siyang nagde-deliver ng mga basic commodoties.
Sinabi ni Gamboa, hindi na dapat magtagal ang mga cargo sa mga checkpoints.
Binigyang-linaw ni PNP chief na ang mahalaga lamang ay agad na isalang sa safety protocol ang mga drivers, lalo na ang pagkuha sa kanilang body temperature.
Layon nito na mapabilis ang delivery ng mga cargo na siyang pangunahing pangangailangan ng mga tao gaya ng mga gulay, karne, bigas, medical supplies at iba pa.
Nilinaw naman ni Gamboa na sa parte ng Nueva Ecija may hiwalay na patakaran silang sinusunod dahil sa problema naman doon ang Bird Flu.
Susunod ang mga pulis at sundalo sa protocol na ipinalabas ng Department of Agriculture.