CEBU – Nakatala na ng pagbi-ak bi-ak ng mga kalsada sa iilang lugar ng probinsiya ng Cebu dahil na rin sa nagpapatuloy na pag-ulan kaugnay sa umiiral na bagyong Agaton.
Hindi na madaanan ang Sitio Canlagang, Barangay Don Gregorio Antigua, Borbon, Cebu dahil sa pagkabi-ak ng kalsada, ganun rin sa Jagbuaya, Tuburan, Cebu at sa Tag-ube, bayan ng Compostela.
Habang, naitala rin ng landslide sa Barangay Das, lungsod ng Toledo, dahilan ng pagkawasak ng iilang mga tahanan.
Tatlong barangay na rin sa Tudela, isla ng Camotes ang nakatala ng pagguho ng lupa.
Pagbaha naman ang naitala sa Pajo, bayan ng Tabuelan kung saan hindi na rin ito madaanan.
Sa pinaka-latest naman na update, may naitala na ring apat na namatay sa iba’t ibang lugar ng probinsiya kung saan karamihan nito ay dahil sa nadaganan ng pagguho ng lupa.
Sa ngayon ay patuloy ang monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa sitwasyon ng mga iba’t ibang bayan at lungsod ng probinsiya, gayundin ang patuloy na pagpapalikas ng mga residente sa mga apektadong lugar.