Sinampahan na ng kaukulang kaso ang mga Chinese nationals na nasa likod ng pagawaan at bodega ng mga pekeng sigarilyo sa lungsod ng Valenzuela at Bulacan.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Brig. Gen. Nicolas Torre III na aabot sa P2.4 bilyon na halaga ng mga pekeng sigarilyo ang kanilang nakumpiska.
Kasama nila sa pagkumpiska sa bodega sa Valenzuela at sa San Rafael, Bulacanangmga kasapi ng Bureau of Internal Revenue.
Naaresto ang 30-anyos na si Wui Quilong o kilala bilang si Ronald at Tony.
Kasama rin nailigtas ang 155 na mga Pinoy na nagtatrabaho sa nasabing factory kung saan nakumpiska dito ang mga pekeng sigarilyo at equipment na nagkakahalaga ng P1.2-B.
Dagdag pa ni Torre na ang nasabing planta ay kayang gumawa ng 12,900 sticks ng sigarilyo kada araw na nagkakahalaga ng P45-M.
Habang limang Chinese nationals naman na kinilalang sinaYanliang Hu, 42; Rock Gara Yu, 45; Pan Zizhan, 51; Pan Zili, 42, and Pan Ziqiang, 35 ang naaresto sa tatlong bodega sa Valenzuela at nakumpiska dito ang mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.15-B.
Nahaharap na ang mga ito ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act at paglabag sa Intellectual Property Code.