-- Advertisements --

Ibinunyag ngayon ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na mayroon dalawang Chinese nationals silang naaresto habang tumutulong sa mga sundalo ng Russia.

Sinabi nito na nakuha ng mga sundalo nila sa Donetsk region ang mga dokumento, bank cards at personal data ng mga Chinese nationals.

Naniniwala ito na marami pang mga Chinese nationals ang maaring kinuha ng Russia para tulungan sila.

Giit nito na malinaw na walang balak si Russian President Vladimir Putin na tapusin ang giyera nila ng Ukraine.

Dahil sa insidente ay pinatawag ng Ukraine Foreign Minister Officer ang Beijing’s chargé d’affaires in Ukraine para pagpaliwanagin sa inisidente.

Magugunitang noong nakaraang taon ay may ilang sundalo ng North Korea ang kanilang naaresto na sumanib din sa Russia para makipaglaban sa Ukraine.