Pumapangalawa ang mga Chinese nationals sa top visitors sa bansa ayon sa Department of Tourism (DOT).
Ayon kay Tourism Secretary Cristina Garcia Frasco na bago pa man magkaoon ng pandemiya, nakakapagtala noon ang bansa ng 1.8 million Chinese tourist arrivals kada taon na sumusunod sa South Korea.
Nagpapakita aniya ito ng magandang ugnayan sa pagitan ng China at Pilipinas partikular na sa aspeto ng turismo.
Ginawa ng opisyal ang naturang pahayag sa gitn ana rin ng reports na pagsama ng Chinese goverment sa Pilipinas sa kanilang tourism blacklist dahil sa patuloy na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa bansa.
Nauna naman ng pinabulaanan ito ng Chinese embassy at sinabing misinformation ang naturang report.
Samantala, binigyang diin naman ng tourism chief na patuloy ang pakikipagtulungan ng DOT para suportahan ang Marcos administration para mapalakas pa ang industriya ng turismo at umaasa sa pagbabalik ng mga turistang Chinese nationals sa bansa.
-- Advertisements --