LAOAG CITY – Isinagawa ang ilang tradisyonal na aktibidad na kaugaliang ginagawa ng mga chinese nationals sa Ilocos Norte ngayong Chinese New Year.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Hanson Chua, ng Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Ilocos Norte Chapter, simple lamang ang selebrasyon ng kanilang new year ngayon araw.
Aniya, ang tradisyonal na Dragon Dance at Lion Dance ay isinagawa sa lungsod ng Laoag, at isasagawa sa bayan ng San Nicolas at sa lungsod ng Batac.
Sinabo ni Chua na ang dalawang tradisyonal na pagsayaw ay nakakatulong upang mataboy ang malas sa kapaligiran at nanghihikayat din na pumasok ang swerte sa loob ng mga bahay negosyo.
Kaugnay nito, mahigpit na seguridad at pagsasaayos ng trapiko sa ilang parte ng kalsada sa mga nasabing lugar ang gingagawa naman ng mga kasapi ng Philippine National Police.
Hiling ni Chua ngayong Chinese New Year ay magandang suwerte para sa kumunidad.