-- Advertisements --

Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagpapailaw ng mga Christmas lights sa lungsod.

Isinagawa ang sabay-sabay na tree-lightning sa Quezon Memorial Circle, Katipunan, Welcome Rotonda at Novaliches sa QC.

Layon ng nasabing lightning ceremony na madama ng mga residente ang pagmamahal at kapayapaan ngayong panahon ng pandemya.

May tema ngayon ang nasabing Christmas na “Mask Ligtas at Mask Masaya”.

Nagkaroon ng maikling programa kung saan may naimbitahan mga singers na kumanta ng mga awiting pamasko.

Nagbigay din ng maikling talumpati ang alkalde at sinabi nitong kahit may pandemya ay dapat hindi kalimutan ang diwa ng kapaskuhan.

Matapos ang pormal ng pagpapailaw ay nagsagawa ng fireworks display na nagningning sa kalangitan.

Tiniyak ng Quezon City Government na masusunod ang social distancing at minimum health protocols sa mga magpupunta para magpa-selfie sa mga naka-display na Christmas tree dahil may itatalaga silang mga magbabantay na magtutungo sa lugar.