-- Advertisements --

Isasailalim lahat ni Navotas City Mayor Toby Tiangco sa COVID-19 testing ang lahat ng mga empleyado ng city hall pagbalik nila ng trabaho sa buwan ng Enero.

Magsisimula ito mula Enero 4 hanggang 8 upang makita kung hindi sila nakapitan ng COVID-19 sa Christmas at New Year celebrations.

Sinasabi kasi aniya ng mga health experts na tumataas ang kaso ng infections ngayong panahon ng kapaskuhan.

Agad na sasailalim sa quarantine ang mga empleyado na magpositibo sa nasabing virus.

Unang sumailalim sa COVID-19 testing ang mga city hall employees noong Hunyo.

Paliwanag pa ng alkalde na libre ang COVID-19 testing sa lahat ng mga residente ng lungsod.

Aabot na kasi sa 5,435 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 44 dito ang aktibo at 169 na ang nasawi.