-- Advertisements --
image 764

Nagsimula na muling magsumite ng claims ang mga benepisyaryo ng Philippine Health Insurance Corporation(Philhealth).

Ito ay matapos maibalik ang sistema ng state health insurer, mula sa pagpasok at pag-atake ng Medusa Ransomware, ilang araw na ang nakakalipas.

Batay sa naging monitoring ng Philhealth, agad na may pumasok at naisumiteng application sa e-Claims system nito kahapon, ilang oras matapos maibalik ang full operations nito.

Ang e-Claims system ay isang sistema na ginagamit ng Philhealth kung saan direktang isinusumite ng mga health facilities ang kanilang claims sa pamamagitan ng electronic means.

Dahil sa pagbabalik ng naturang sistema, maaari na muling makipag-transaksyon ang mga benepisyaryo at mga health facilities sa state health insurer, katulad ng dati.

Una rito, binisita ng National Privacy Commission(NPC) ang Philhealth upang magsagawa ng inspeksyon sa lawak ng pinsalang idinulot ng Medusa Ransomware.

Una na ring nagpadala ng tulong ang Department of Information and Communications Technology(DICT) sa Philhealth, matapos ang insidente ng pag-atake.