Isiniwalat ng ilang grupo ng empleyado ng Amazon na tinakot umano silang tatanggalin sa nasabing kumpanya matapos nilang ipahayag ang kanilang saloobin hinggil sa ilang environmental issues.
Ito’s matapos sumali ng mga empleyado sa panawagan para sa e-commerce giant na mas paigtingin pa ang ginagawa nilang hakbang upang talakayin ang paksa ng climate change.
Ayon sa Amazon Employess for Climate Justice, sinabihan daw sila na nilabag nila ang patakaran ng kumpanya.
Ilang kasamahan umano nila ang kinausap na ng legal and human resources team ng Amazon upang kwestyunin ang mga komentong sinabi nila sa publiko.
Depensa naman ng kumpanya na hindi na raw bago ang ganitong paglabag sa kumpanya at sakop ng naturang patakaran ang lahat ng kanilang manggagawa.