-- Advertisements --

Maaari ng magpabakuna sa mga clinic sa public at private doctors ng libre kasabay ng ilulunsad na ikaapat na National Vaccination drive ngayong buwan mula March 10 -12.

Kasunod ito ng pakikipagpartner ng IATF sa Philippine Medical Association (PMA) para sa Covid19 vaccination program ng gobyerno.

Kaugnay din nito, nagpulong ang IATF at PMA ngayong araw para sa guidelines at isinasapinal pa ang listahan ng mga doctors at clinic na isasama sa naturang inisyatibo.

Ayon kay IATF deputy chief implementer Vince Dizon layunin nito na mapataas pa ang covid19 vaccination targets ng pamahalaan ngayong paunti na ng paunti ang mga taong nagpupunta sa mga vaccination sites.

Mas mailalapit din aniya sa ating mga kababayan ang bakuna sa pamamagitan ng pagbabakuna sa mismong mga clinic.

Paraan na rin ito ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje para magkaroon ng access sa bakuna ang kanilang mga pasyente.

Sa pamamagitan din nito, ayon kay PMA president Benito Atienza na mas mahihikayat ang mga tao na magpabakuna at mas magiging kumpiyansa na magpunta sa kanilanh mha doktor para sa kanilang check-ups dahil bumababa na rin ang kaso ng covid19.

Ayon kay Cabotaje, ang mga indibidwal edad 18 nyos pataas ang pokus na mabakunahan at mabigyan ng booster shots.

Paliwanag sin ni Cabotaje na maaaring bakunahan din sa mga clinic ang mga batang edad 5-11 at 12 hanggang 17 anyos kung mayroon itong mga specual facilities na paglalagyan ng mga bakuna gaya ng Pfizer