Dagupan City–Mas pinaigting ng Pangasinan PNP ang pakikipag-ugnayan sa PNP Maritime at sa Philippine Navy upang mabantayan ang mga coastal areas ng lalawigan .
Ayon kay Pangasinan PNP Acting Provincial Director Police Col. Redrico Maranan, ayaw nilang matulad sa ilang lugar sa Pilipinas na kinakikitaan ng mga bulto ng mga iligal na droga.
Aniya, may mga itinalagang maritime police at mga kasapi ng Philippine Navy sa mga strategic na lugar sa lalawigan upang magmonitor sa mga karagatan.
Aniya, dahil wala naman silang mga kagamitang akma sa tubig, tanging magagawa nila ay pagbutihin ang kanilang monitoring at intelligence gathering upang agad maparating sa Maritime Police ang mga impormasyon kaugnay sa mga aktibidad sa mga katubigan na may kinalaman sa iligal na droga.