Umabot na sa P888.7 million ang kabuuang nakulekta ng Banko Sentral ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga coin deposit machines (CoDMs) nito.
Ito ay kinapapalooban ng 214,475 transaction mula sa mga mamamayan ng bansa na may mga iniipon o itinatagong coins na ninais nang ipapalit ito sa pamamagitan ng mga coin deposits.
Sa kasalukuyan ay mayroong 25 coin deposit machine ang BSP kung saan inilagay ang karamihan sa mga malalaking mall sa Metro Manila.
Una itong inilunsad noong June 2023 sa paghahangad na muling bumalik sa sirkulasyon ang mga coins at mapigilang mangyari ang coin shortage dahil sa pagtatago ng mga coins.
Sa kasalukuyan, sinabi ng BSP na marami na ang mga nagkakainterest na magpapalit ng kanilang mga coints habang ang iba ay bultuhan din itong ginagawa.