-- Advertisements --
image 47

GENERAL SANTOS CITY – Inaabangan ang maraming aktibidad sa Qatar mahigit-kumulang dalawang buwan bago ang FIFA World Cup 2022.

Ayon kay Melchor Omanito Jr. Bombo International Correspondent sa Qatar, bago ang pagsisimula ng nasabing sikat nga football tournament sa November 20, 2022 ay may maraming concert ang tampok sa Bollywood music festival.

Aniya, isa sa pinakahihintay lalong-lalo na ng mga Pinoy ang concert ng Black Eye Peas kung saan isa sa miyembro nito ay ang Filipino-American rapper/singer na si Apl.de.ap.

Dagdag pa nito, ang Lusail Boulevard ang sentro ng mga aktibidad.

Inihayag din ni Omanito na sa susunod na linggo aasahan ang pagdatingan ng maraming teams sa Doha mula sa ibat-ibang bansa na inaasahan namang agad na sasabak sa pagsasanay.

Nitong linggo ay nagsidatingan na rin ang mga football fans at mga international volunteers para sa nasabing torneyo.